Home > Uncategorized > Lastikong court martial

Lastikong court martial

November 18th, 2009 admin

Scenes from last Friday’s hearing in Tanay

Nang paiba-iba na ang desisyon ng court martial panel sa hearing noong Biyernes ng kaso nina Maj. Gen. Miranda at 27 pang mga magigiting na opisyal ng military na sangkot sa Feb.2006 withdrawal of support kuno kay Gloria Arroyo, sabi ni Ces Drilon ng ABS-CBN, “para palang lastiko ito.”

Sabi naman ng isang reporter,”Laban-bawi nga e.”

Mula naman talaga ng simula, nakakalito na ang interpretasyon ng batas ng mga miyembro ng court martial panel. Ngunit ang pinakagulo ay nang dumating na sa punto na si Lt. Col. Custodio Parcon na ang may oportunidad mag-challenge ng korte.

Sa court martial kasi, dalawang klaseng challenge ang binibigay sa akusado. Isa ay ang tinatawag na “peremptory” challenge. Ang isa naman ay “challenge for cause” o kailangan ka magbigay ng rason.

Ang peremptory challenge ay minsan lamang magagamit ng akusado samantalang ang challenge for cause ay maa-aring gamitin ng ilang beses habang dinidinig ang kaso.

Nakalagay sa manual ng Articles of War na maaaring gamitin ang dalawang challenge kahit kailan sa trial. Maaaring sa simula, sa gitna o sa panghuli ng trial. Nang tinawag si Parcon, sinabi niya na gusto niyang gamitin ang kanyang peremptory challenge kay Rear Admiral Emilio C. Marayag na dapat ay kasama sa panel.

Ang pangalan kasi ni Marayag ay nakasama sa letter-order ni AFP Chief-of-Staff Hermogenes Esperon kung sino ang naka-assign na mga alternates sa court martial nina Gen. Miranda et al.

Ngunit wala si Marayag sa trial noong Biyernes sa Camp Capinpin siya ang commander ng Naval Forces sa Western Mindanao. Kailangan siya sa Zamboanga dahil pumunta doon si Gloria Arroyo.

Pumayag naman ang korte .

Nag-recess sila. Nang bumalik, iba na ang opinyun ng panel. Kapag hindi raw ginamit ang peremptory challenge ngayon, ibig sabihin “waived” na o ayaw na ng akusado ang kanyang karapatan. Balitaktakan ng mga magagaling na abogado ng mga akusado.

Ngunit walang paki-alam ang panel. May sarili silang interpretasyon ng batas. Kahit despalinghado, pinipilit nila. Denied ng denied.

Pina-alaala sa panel ng abogado ni Parcon na pumayag sila bago mag-recess. Sinabi ng panel, nag-iba na raw ang isip nila. Overuled raw ng nakakarami ang desisyon ng miyembro nilang abogado bago mag-recess. Ganun lang.

Napilitan tuloy si Parcon na gamitin ang kanyang peremptopry challenge laban kay Sodusta.

Habang nagsasalita pa si Frank Chavez, abogado ni Miranda,Prada Bags, pabastos na nag adjourn ang panel at umalis na. Pahabol ni Frank Chavez, “Hindi ko alam kong nararapat kayong tawagin na ‘kagalang-galang.’”

Photo caption:

1. Frank Chavez,Wholesale Wallets, lawyer of Gen. Miranda
2. Lawyers table: Jose Miguel Palanca, for Col. Caringal;Gilbert Gallos, for Col. de Leon; Donald V. Diaz, for Col. Parcon; Nole Panganiban for Capt. Allan Aurino, Lt. Irvin Divinagracia, and lt. Homer Estolas
3. Trixie Angeles, for Capt. Guinolbay; Joseph Aber Joson,Hermes Bags, for Col Ba?ez and Col. Segumalian; Palanca for Col. Caringal

4. Gen. Miranda and Col. de Orlando de Leon
5. Colonels Januario Caringal and Armando Ba?ez
6. Col Custodio Parcon

7. Col. Achilles Segumalian and Atty. Sigfrid Fortun, one of the lawyers of Col. Ariel Querubin
8. Lt. Richiemel Caballes with wide Debbie and son Mark with Col. Querubin
9. Captains Dante Langkit and Joey Fontiveros

10. Maj. Jose Leomar Doctolero; Maj. Jason Aquino; Capt.Isagani Criste
11. Captains Ruben Guinolbay and Allan Aurino
12. Capt. Montano Almodovar

13. Capt. Isagani Criste and wife, Bing
14. Capt. James Sababan and family
15. relatives of Col. Querubin

Other articles:

Categories: Uncategorized Tags:
Comments are closed.